Umiwi kaming bigo mula sa Cannes Festival 2010. Siguro nga, wala lang talaga kaming tiyaga para maghintay at makipagsiksikan sa mga taong naghihintay na makakita ng artista o sadya yatang, hindi kami pang “Fan’s club” type.

Public waiting since I dont know when.
Naalala ko nung grade 6 ako, nag guest ang limang “That’s Entertainment” starlets sa school namin. Pagkatapo ng show, nagpa-autograph kami sa mga artistang yun. Isa lang sa kanila ang kilala ko. Si apple. Hindi ko pa alam ang pagkakaiba nuon ni Apple kay Abbi Viduya. And the rest hindi sikat at hindi na sumikat. Pero dahil nga sa ‘artista” sila, nagpa autograph na rin ako gamit ang isang punit na pilas ng notebook ko at isang ballpen na hindi halos makasulat. Dati akala ko, ang tawag ko dun ay pag hanga, pero ngayun, tawag ko dun… peer pressure. Ewan ko dahil nagpa-autograph yung kaklase ko, feeling ko dapat magpa autograph na rin ako para hindi ako mapag-iwanan.

There's an interview behind me. I don't know who that was.
Kung tatanungin mo ako, kung bakit ako nagpunta…wala lang… parang lang… “to see what the fuss is about”. Tulad ng sabi ng dalawang English ladies sa likod ko, “just to experience”.
Habang nakabilad ako sa init at pinapanood ang mga guards na nilalatag ang red carpet, nagtatalo sa isip ko, e ano ngayon kung makita ko si Woody Allen, o kaya naman si Russel Crowe? So what kung may picture ako ni Mathieu Amalric, Eh ininis lang niya ako dahil tinangka niya ang buhay nig crush kong si Craig Daniel sa palabas na “James Bond”. Pero in fairness, cute siya and its cool to know na French film director din siya.
Medyo bago ang next screening. So nag-intay kami sa beach. Pero pagating naming sa beach reminds me of public resort during Mahal na araw sa Pinas. Ang difference lang, naka bikinis ang mga babae at hindi naka maong shorts at malaking white t-shirt. Medyo Masikip at maninit pero, it’s cool to think, na ito ang isa sa mga locations ng Mr. Bean’s Holiday film.

Sinubukan kong mag-artista hunt sa harap ng Majestic Barriere Hotel. Pero hindi ako magaling mag artista spotting, kasi, sanay na akong makakakita ng mga puti, eh, magkakamuka na lang sila para sa akin. Mas naeenjoy ko sila sa movies.
Una kong nalaman ang tungkol sa Cannes Film Festival ay nung nag reresearch ako tungkol kay Kidlat tahimik at nung mga panahong gumagawa kami short films nung college pa ako. Mula noon, pinangarap kong magkaroon ng pribelehiyong maging isa sa mga nominado o kaya naman bilang isang accredited attendee.
Pero naisip ko na kung magpupunta ako sa cannes festival, eh mas mainam na may invitation ako at kasama ko mismong manunuod ang mga hinahangaan kong mga international celebrities. Walang kwenta kung titingnan mo lang sila sa layong mahigit sa 30 feet. Hindi naman sa minamaliit ko ang Fans club nila Dingdong Dantes at Marian Rivera, na handang mag-bilad sa araw at umamoy ng sari-saring pawis ng other fans. Sabi nga “walang basagan ng trip”. Pero para sa akin, mas cool ang maging isa ka sa mga guest kasama nina Tim Burton at Benicio Del Toro o kaya naman ka beso beso ni Kate Beckinsale.
Pasimula na ang pag-latag ng red carpet. Konting oras na lang ay maglalabasan na ang mga celebrities, at konting oras na lang din, naisip kong, mag-gagabi na at isang oras ang biyahe pabalik ng bahay. Naisip ko, “The hell with this… Hindi worth it”, dahil may asawa akong nagugutom.(Siguro, mas recommended ang activity na ito to the single)
In fairness, very supportive siya na samahan ako sa kahibangan ko. Sa huli, hindi ko na hinintay na makakita ng mga pristehiyosing mga personaliad. Mas okay siguro kung maka chit chat ko sila sa halip na sulyapan lang. Mas pinili ko na lang na ienjoy ang company ng asawa ko at nag Fanta Orange na lang kami sa suking tindahan. At okay na rin na mag-papiktyur sa harap ng camera sculpture at sa red carpet ng Grand Lumiere Theater, para lang masabi ko sa sarili ko “nakatungtong ako sa red carpet ng Cannes Festival”. May mga napiktyuran din naman ako, yun nga lang, kung sikat man sila.. hindi ko sila kilala.

red Carpet at Grand Lumiere Theater
Kaya ngayon, ang goal ko ay kung paano magkaroon ng invitation sa Cannes Festival.

Ben Stiller?